Kaso ng influenza-like illness o trangkaso sa NCR tumaas

Sa gitna ng mga pagdiriwang at mga parties sa panahon ng kapaskuhan, nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan laban sa mga kaso ng seasonal influenza, na sa ilang bansa ay dumarami at nagdudulot ng pagtaas sa mga admission sa ospital.

Binanggit ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire   ang pagtaas ng kaso ng influenza-like illness o trangkaso na naitala mula noong Nobyembre dahil sa tag-ulan.

Ang datos mula sa ulat ng Epidemic-prone Disease Case Surveillance ng DOH ay nagpakita na ang mga kaso ng trangkaso ay tumaas ng 35 percent mula 74,980 noong Enero 1 hanggang Nobyembre 12 noong nakaraang taon sa 101,480 kaso na naitala sa parehong panahon ngayong taon.

Ang pinakamataas na pagtaas ng mga kaso ng trangkaso ngayong taon ay naitala sa National Capital Region (NCR), na may 3,607 na kaso mas mataas ng humigit-kumulang 500 percent kaysa sa naitala na 589 na kaso noong 2021.

Bagama’t ang bilang ng mga namamatay dahil sa influenza-like illness ay bumaba sa 412 ngayong taon kumpara sa 908 noong 2021 at ang case fatality rate  sa bansa ay bumaba mula 1.2 porsiyento hanggang 0.4 porsiyento, ang mga nasawi na dulot ng trangkaso ay tumaas sa ilang rehiyon.

Sa Davao Region, tumaas ang case fatality rateĀ  mula 0.6 percent o 103 deaths hanggang 0.7 percent o 149 deaths ngayong taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *