Kaso ng influenza-like illnesses , tumaas ngayong taon ayon sa DOH

Tumaas ng 45% ang kaso ng influenza-like illnesses sa bansa mula January 1 hanggang December 3 ngayong taon ayon sa Department of Health.

Ayon sa DOH, mayroong kabuuang 114, 278 na kaso ng sakit ang naitala kung saan 29 % o 32,778 kaso ay nasa edad 1 hanggang 4 na taong gulang.

Hinikayat ng health officer-in-charge na si Maria Rosario Vergeire ang publiko na agad na mag isolate kung mayroon nang naramdamang mga sintomas tulad ng lagnat, trangkaso, at ubo.

Binigyang-diin ni Vergeire na mas mabuting maging ligtas dahil ang mga sintomas ay halos kapareho ng COVID-19.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *