Kaso ng leptospirosis sa Metro Manila, halos 30% ang itinaas; Mga naitalang kaso ng dengue, bumaba

Umakyat na sa 252 ang tinamaan ng leptospirosis sa Metro Manila simula noong Enero hanggang June 22 ngayong taon.

Mas mataas ito ng 29.9% kumpara sa 194 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa datos ng DOH Metro Manila Center for Health Development, 30 sa mga nagkasakit ng leptospirosis ang namatay.

Samantala, bumaba kumpara noong nakaraang taon ang mga naitalang kaso ng Dengue sa Metro Manila.

Simula Enero hanggang June 22, nasa 6531 ang naitalang kaso ng Dengue kung saan pito ang nasawi.

Mas mababa ito ng 16.9% kumpara sa naitalang kaso noong nakarang taon sa kaparehong panahon.

Paalala naman ng mga eksperto na agad komunsulta sa mga doktor sakaling makaranas ng mga sintos ng mga nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *