Local News

Kaso ng mga baboy na tinatamaan ng ASF sa region 2, bumababa-DA Region 2

Lumalabas sa huling datos ng Department of Agriculture Region 2 na bumababa na ang mga naitatalang kaso ng mga alagang baboy na tinatamaan ng African Swine Fever (ASF) sa Region 2.

Sinabi ni Dr. Manuel Galang Jr., Veterinarian III, na sa nagdaang buwan ng Mayo nakapagtala lamang ng 22 cases ang rehiyon kung saan mas mababa ito kumpara sa nakaraang tala noong Enero ngayong taon na umabot sa 2,945.

Sa nakalipas na limang buwan, ang lalawigan ng Isabela ay walang naiulat na panibagong kaso ng ASF.

Ipinunto ni Dr. Galang na ang pangunahing dahilan kung bakit bumaba ang kaso ay ang pagiging maalam na ng publiko sa mga impormasyon may kaugnayan sa ASF.

Ayon sa kaniya, ito ay resulta ng malawakang pagsasagawa ng information campaign ng ahensya sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan, government agencies, at pribadong sektor.

Malaking tulong din ang mahigpit na paglalatag ng mga ASF checkpoints sa bawat munisipalidad at barangay, patuloy na monitoring at surveillance sa mga commercial at backyard farm.

Maliban dito ay nakatulong din umano ang hindi na pamamayagpag ng online selling ng karne, pagkatay sa mga barangay at ang pamamahagi ng information, education and communication materials.

Samantala, naitala naman ang huling kaso ng ASF sa Zinarag, Aparri West, Cagayan kung saan apektado ang nasa 21 na baboy na kinabibilangan ng 5 magsasaka.

Napag-alaman na ang hindi pa rin pagsunod ng mga hog raisers sa biosecurity measures at paglabag sa quarantine protocols.

Kaugnay nito ay pinabibilisan na ang implementasyon ng Bantay ASF sa Barangay o Babay ASF sa pamamagitan ng provincial resolutions upang maging basehan ng mga LGUs sa paggawa naman ng mga alituntunin na makatutulong sa pagsugpo ng ASF.

BNFM Cauayan

Recent Posts

MRT-3 at LRT-2, may handog na libreng sakay para sa workers ngayong Labor Day

May libreng sakay ang Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3)  at Light Rail Transit Line 2…

2 hours ago

Mobile shower trucks, umikot sa Valenzuela City para makatulong sa tindi ng init

Naglibot ang dalawang mobile shower trucks sa lungsod ng Valenzuela para makatulong sa mga residente…

2 hours ago

Ex-partner ni Dennis Padilla, itinangging may co-parenting setup sila ng aktor

May bago na namang kinasasangkutan ang aktor at comedian na si Dennis Padilla. Ito'y matapos…

2 hours ago

Efren Reyes Cup, ilulunsad sa Oktubre

Ilulunsad ngayong Oktubre ang isang panibagong billiard tournament na pinangalanan sa Philippine billiard icon na…

2 hours ago

Isang immigrant mula Laos, nanalo ng $1.3 billion sa Oregon Lottery

Nanalo ang isang immigrant sa Oregon, USA ng $1.3 billion sa Powerball jackpot ng Oregon…

2 hours ago

Lalaki nga giingung tagoanan og armas sa mga gun for hire, nadakpan

Nadakpan sa sakop sa Mambaling Police Station pinanguluhan ni Police Major John Lynbert Yango ang…

7 hours ago