Kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Albay, umakyat na naman sa mahigit 20

LEGAZPI CITY – Muling nakitaan ng pagtaas ang mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay.

Pumalo na naman kasi sa kabuuang bilang na 27 ang mga kaso nito sa lalawigan, batay sa datos na inilabas ng Provincial Health Office kahapon.

Sa nasabing datos, walo ang nagpositibo sa Daraga; lima sa Legazpi City; apat sa Tabaco City; tatlo sa Malilipot; dalawa sa Santo Domingo; habang parehong tig-iisang kaso naman ang naitala sa Bacacay, Pio Duran, Polangui, Rapu-rapu, at Tiwi.

Karamihan naman sa mga nagpositibong mga indibidwal ay mga fully vaccinated na.

Kasalukuyang nakataas sa Altert Level 1 ang status ng Albay sa COVID-19 kaya’t paalala ng nasabing tanggapan, sundin lamang ang mga ipinatutupad na minimum public health standards at magpabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *