Kaso ng pamamaril naitala sa bayan ng DOS Maguindanao

PATAY sa pamamaril pasado ala Syete nitong gabi ng Sabado ang isang lalaki sa Brgy., Semba sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa ulat mula sa lokal na kapulisan ng bayan, ang biktima ay nakilalang si MASTURA SALIK, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Nabilan, ng mnabanggit na bayan.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, pinuntahan ng biktima ang pamamahay ng kaniyang anak na babae na tinapunan umano ng bato at pag-abot nito sa gate pa lang ay doon na pinaulanan ng putok ng mga di nakilalang salarin.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit di na umabot ng buhay dahil sa tindi ng tama ng bala na kanyang tinamo sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Narekober ng SOCO sa lugar ang Labing Pitong ng bala ng 45. Caliber pistol na pinaniniwalaang ginamit ng mga tumakas na salarin. Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng DOS, MPS kung anu ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *