Kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan sa Sagñay, Camarines sur, kakaunti na

NAGA CITY – Halos walang naitatalang insidente o kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan ang Municipal Police Station ng Sagñay, Camarines Sur sa loob ng isang buwan.

Ito ay dahil sa maigting na information dissemination hinggil sa karapatang pangkababaihan sa mga bara-barangay kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office, Barangay Opisyal.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Deputy Chief of Police ng Sagñay MPS, PCPT. Mark Spaña, sa pamamagitan nito lumalakas ang loob, lumalawak ang kaalaman ng mga kababaihan , natututong lumaban at ipaglaban ang sarili sa tamang paraan.

Sa barangay pa lang agad nang nasusolusyunan at 100% suportado ang PNP Sagñay.

Dagdag pa ng opisyal na ang babae ay dapat na minamahal, nirerespeto at hindi sinasaktan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *