National

Kaso ng Pertussis sa Bicol Region, pumalo na sa 35 kasama na ang 2 namatay

UMAKYAT na sa 35 ang kabuuang kaso ng Pertussis sa rehiyong Bicol batay sa ipinalabas na bulletin ng DOH Bicol CHD kahapon, Abril 26, sa tulong ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU).

Ang mga nasabing kaso ng pertussis ay nagmula sa probinsya ng Albay na may 14, Camarines Sur na may 12, Sorsogon naman na may 7 at Masbate naman 2, kasama na rito ang dalawang namatay mula sa lalawigan ng Masbate at Camarines Sur.

Habang sa mga probinsya ng Camarines Norte at Catanduanes ay wala namang naitala at nadagdagan naman ng isang namatay sa sakit.

Ang mga nabanggit na datos ay pinagsamang Clinical and Laboratory confirmed cases na naitala ng (RESU) simula Enero 1 hanggang Abril 22 taong kasalukuyan.

Ang pertussis o whooping cough, ay isang malubhang nakakahawang impeksyon sa respiratory na dulot ng bacteria na Bordetella Pertussis nakaraniwang nakakaapekto sa mga bata, partikular na sa mga sanggol at batang wala pang kumpletong bakuna.

Sa ngayon patuloy ang paalala ng DOH na pabakunahan ang mga bata kontra sa naturang sakit at palaging sumunod sa mga minimum public health standard gaya ng social distancing at pagsusuot ng facemask para hindi mahawa ng naturang sakit na nakukuha sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo mula sa taong infected ng naturang sakit. ### KENNETH BERMIL

Image: Bordetella pertussis/britannica

BNFM Bicol

Recent Posts

6 na mangingisda na-rescue, matapos lumubog ang kanilang bangka

Kinilala ang mga na-rescue na sina Arnel Sevilla, Jondle Sevilla, Joan Infante, Ricky Sevilla, Elmer…

2 hours ago

BIDAktas naging madinaeag-on

Naging madinaeag-on ro ginpatigayun nga Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan (BIDA) Program o BIDAktas (A Walk…

5 hours ago

Pinasahe nga bueak, nadiskubre sa Madalag, Aklan

Sangka pinasahe nga higanteng bueak nga ginatawag nga Rafflesia lobata ro nakita it team it…

10 hours ago

SB Kalibo, gin-engganyo ro MSWDO ag OSCA nga pahauman eon ro RA 11982

Ginpaabot makarun it Sangguniang Bayan it Kalibo sa Municipal Social Welfare and Development Office ag…

10 hours ago

Ex-army, dakop sa drug bust sa Iloilo

Dakop ro dating miyembro it Philippine Army sa drug buy-bust operation it kapulisan sa Leganes,…

10 hours ago

Gutok nga kulungan sa Western Visayas, padayun nga ginakabaeak-an

Sangka mabahoe nga ginakabaeak-an ro gutok nga mga kulungan nga ginapamunuan it Bureau of Jail…

10 hours ago