Kaso ng pertussis sa Camarines Norte umakyat sa tatlo

CAMARINES NORTE – Nadagdagan pa ang bilang ng mga tinamaan ng pertussis o “whooping cough sa lalawigan ng Camarines Norte na umakyat na ngayon sa bilang na tatlo batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health nitong Huwebes, July 4.

Ito ay base naman sa Philippine Integrated Disease Surveillance and Response Database Morbidity Week 26  na may petsang June 23 to June 29, 2024

Unang nagkaroon nang kaso ng pertussis sa lalawigan noong huling bahagi ng Mayo at nasundan ng isa pa noon lang nakatalikod na linggo.

Ang pertussis o “whooping cough” ay isang nakakahawang sakit na nakamamatay lalo na sa mga sanggol.

Kapag may may sintomas ng pertussis tulad ng sipon, ubo at lagnat at  kapag lumalala ang pag-ubo sa loob ng 1-2 linggo ay agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center.

Ang whooping cough ay sinusundan ng matinis at ipit na paghinga matapos umubo, maaari ring magdulot ng pagsusuka, at hirap sa paghinga.

Ayon sa DOH, kinakailangang kumpletuhin ang 3 doses ng Pentavalent Vaccine o 5 in 1 Vaccine  na kilala bilang Diphtheria, Pertussis, Tetanus, Influenza B at Hepatitis B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *