Kaso ng sexual abuse sa Olongapo, tumaas ang bilang

Naalarma ang local government sa biglaang pagdami ng kaso ng online sexual abuse sa Olongapo sa mga nagdaang taon.

Ito ay dahil noong taong 2020 ay nakapagtala lamang ng limamput pitong kaso nito, 2021 ay 109 na ang naging kaso habang mas lumala pa noong 2022 na umabot na ng 117 cases.

Ayon kay City Social Welfare And Development Officer Jun Pascua, kapansin-pansin ang pagdami nito lalo na noong umiral ang mas mahigpit na restriksyon kung kailan internet ang karaniwang gamit sa komunikasyon.

Dahil dito, nagtutulong-tulong ng Department Of Health, Olongapo City Medical Society at City Social Welfare And Development para sa public awareness campaign na pipigil sa lalong pagdami ng kaso ng seksuwal na pang-aabuso sa mga bata.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *