Ibinasura ng Quezon City Regional Court ang kasong conspiracy to commit sedition laban sa mga akusado sa “Ang Totoong Narco-list” videos noong 2019.

Kabilang sa mga akusado si dating senador Antonio Trillianes na naghain ng demurrer to evidence para kwestyunin kung sapat ang imbidensya sa korte.
Pinagbigyan naman ng korte ang mosyon ni Trillianes dahil bigo ang prosecution na magbigay na sapat ibedensya na magpapatunay kung sangkot nga ang mga itinuturong akusado.
Na una ng hinatulang guilty si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” matapos aminin nito na gawa gawa lang niya ang video na “Ang totoong Narcolist” na nag-ugnay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa ilang ka-anak sa ilegal na droga.
Tinawag naman ito ng Malacanang noon na Black propaganda para siraan si Duterte.