Pirmado na ang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng San Luis at Guagua sa Pampanga at ng Naju City, Jeollanam South Korea para makapag padala ng mga Kapampangan na mag ta-trabaho doon.
Trabahong pang agrikultura ang nag hihintay sa mga Pilipino roon na mapalad na matatanggap sa trabaho.
Sinabi ni San Luis Mayor Dr. Jay Sagum na maipagmamalaki nila ang mga mangagawa na maipapadala nila sa nasabing bansa dahil ang kanilang bayan ay binubuo ng 92 porsyentong lupaing sakahan.
Matatandaang pinangunahan ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda kasama ang mga opisyal ng League of Municipalities of the Philippines-Pampanga chapter ang trade, labor at agriculture mission sa bansang Korea, bilang bahagi ng pagsisikap nilang maibangon ang lalawigan mula sa pandemya dulot ng COVID-19.
Samantala bukod sa San luis at Guagua, pirmado na rin ang kasunduan sa pagitan ng mga bayan ng Masantol, Minalin at Apalit para makapag padala ng mga seasonal workers sa South Korea.
Mukabat sa kapin P5.4 Million kantidad sa gituohang shabu ang nakumpiska sa otoridad atol sa…
Gitunolan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kagahapong adlawa, Huwebes og kinatibuk-ang Php…
Nasungkit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong titulo bilang Box Office King and…
Arestado ang empleyado sa gobyerno kauban ang laing duha ka indibidwal sa gilusad nga drug…
Sinimulan na ng Senado ang proseso sa citizenship ni Bennie Boatwright para mapasama sa Gilas…
CAMARINES NORTE - Inirekomenda ng Philippine Coast Guard sa Lokal na Pamahalaan na maglagay ng…