Katatakutan hindi mensahe ng Undas- Bikol association of Catholic Schools; maling mga gawain dito hamon pa rin sa simbahan

NAGA CITY- Panalangin , pag-alala sa mga yumao ng tahimik ang mensahe ng Todos Los Santos at Todos Los Defuntos o All Saints at All Souls Day  hindi katatakutan.

Ito ang nais ipabatid ng simbahan ngayong Undas. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Fr. Wilmer Tria , Parish Priest ng St. Raphael the Archangel Parish ng Pili  na siyang Bikol Association of Catholic School President, aniya sa Christian Living subject naipapaliwanag ito pero malaking hamon ang impluwensya ng ibang bansa , naririyan pa ang mga nakakatakot na palabas sa telebisyon at mga makikita sa mga establishment.

Dagdag nito ang nangyari sa Korea kung saan mahigit 150 ang nasawi sa stampede sa Halloween Party noong Sabado ng gabi ay may aral para sa bansa ; una ang maiging pagpaplano sa crowd control at ang pag-alala sa tunay na mensahe ng Nov. 1 at Nov. 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *