Katawan ng isang tripulante, natagpuang palutang-lutang sa seaport ng Castilla

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Castilla Police sa natagpuang palutang-lutang na katawan ng isang lalaki sa pantalan ng Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Joel Priza Gallego, 27-anyos, residente ng Brgy Malosgoc, Pototan, Iloilo at crew ng Lacierta Shipping Company.

Ayon sa impormasyon, huling nakitang buhay ang biktima na nagsi-cellphone sa tabi ng pantalan, gabi noong Mayo 23. Ayon naman sa mga kasamahan ng biktima, akala umano nila ay umuwi na ito sa kanilang inuupahang bahay kung kaya’t hindi na nila ito hinanap.

Ang katawan ng biktima ay natagpuang lulutang-lutang, hapon noong Mayo 24.

Humiling na ang Castilla PNP sa pamilya ng awtopsiya upang matukoy kung walang ‘foul play’ sa pagkamatay ng biktima.

PHOTO: Papa Caloy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *