Kathyrn, ipinasilip ang ipinatatayo niyang bahay

Ipinasilip ng aktres na si Kathryn Bernardo ang nagpapatuloy na konstruksyon ng kaniyang dream home.

Sa Instagram ay makikita na pinost ni Kathryn ang mga litrato ng kaniyang pagbisita sa site na pinagtatayuan ng bahay kasama ang kaniyang ina na si Min at pamangkin na si Lhexine.

Masisilayan sa background ng mga litrato ang maagang bahagi ng konstruksyon ng bahay, kabilang na ang pundasyon at mesh ng steel wires.

Mababasa sa caption ng post ni Kathryn, “Slowly getting there. I can’t believe it’s finally happening!”

Unang beses na isiniwalat ng aktres ang tungkol sa pagpapatayo niya ng dream home noong March 2020 matapos ang tatlong taong pagpaplano.

Nakiisa sa groundbreaking noon ang kaniyang siyam na taong nobyo at on-screen partner na si Daniel Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *