LEGAZPI CITY – Isinagawa sa lalawigan ng Albay ang kauna-unahang Bicol Artists Congress sa lungsod ng Tabaco.
Ito ay bilang bahagi ng pagbubukas ng Tabaco Open Gallery (TOG), kung saan tampok ang sari-saring likhang sining.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng iba’t ibang mga grupo ng artists sa buong rehiyon ng Bicol tulad ng Islang Cataduanes Visual Artists Group, Rinconada Artists, Camalig Artists Guild at iba pa.
Ayon sa naturang mga grupo, malaking karalangan ito dahil makikila nila ang ibang mga grupo sa buong rehiyon at mabigyan ng pagkakataong maibida ang kanilang obra.