Nagsimula na ang kauna-unahang Central Luzon Sustainable Tourism Summit na ginaganap sa Subic Bay Freeport Zone.
Ito ay sa pamamagitan ng Department of Tourism, Subic Bay Metropolitan Authority, at Tourism Promotions Board Philippines kahapon sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.
Isa sa mga highlights ng programa ay ang Bisita, Be My Guest o BBMG Program, ito ay joint project ng Department of Tourism at ng Department of Migrant Workers na layong mas mapatatag pa ang turismo ng bansa para makahikayat ng mas maraming turista.
Samantala, nitong nakalipas na araw ay pinag-usapan na rin nina OIC-Undersecretary Verna Buensuceso at DOT3 Regional Director Richard Daenos kasama ang mga opisyal ng Subic Bay ang mga paghahanda para sa pagdating ng mga cruise ship mula Oct. 12.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
