Kauna-unahang DOT accredited na mga surfers sa Bicol Region, nagmula sa lalawigan ng Camarines Norte.

CAMARINES NORTE- 14 na surfing instructors sa lalawigan ng Camarines Norte ang kauna-unahang DOT accredited sa Bicol Region at ikalawa sa buong Pilipinas.

Ito ay matapos na makompleto ng mga ito ang mga kinakailangan para sila ay gawaran bilang accredited filipino surfing instructor ng Department Of Tourism.

Hindi umano ito magiging posible kung wala ang tulong ng Department of Tourism Regional Office, sa pamamagitan ng kanilang Tourism Industry Skills Program para sa pagsisimula ng Surfers Instructor Training noong Agosto 2022

Tunay lamang umano nitong pinapatibay ang katayuan ng Bagasbas Beach bilang Surfing Capital ng Bicol Region at ang tunay na lugar ng kapanganakan ng Surfing sa Pilipinas.

Ngunit sa kabila nito, nagpaalala pa din ang Department of Tourism na makipag-transact lamang umano sa mga DOT Accredited na mga establisyimento o negosyo upang matiyak ang walang abala, ligtas at kasiya-siyang paglilibot at surfing sa Bagasbas Beach

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *