Kauna- unahang floating pantalan sa Camarines Norte inilagay sa isang Barangay ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Pakikinabanganan na ang kauna- unahang plastic floating pantalan sa lalawigan ng Camarines Norte na inilagay sa isang Barangay ng Mercedes.

Ang plastic floating pantalan ay donasyon ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Lokal na Pamahalaan taon na ang nakakalipas.

Ang orihinal na plano ay ilagay ito sa Barangay Mambungalon pero sa resulta ng konsultasyon at pag uusap ay nagpasya ang LGU na ilagay ito sa Barangay Cayucyucan.

Ang Cayucyucan ay kilalang tourist destination sa lalawigan at higit itong pakikinabangan dito.

Inilagay ang tinatayang mahigit kumulang 50 metro ng floating pantalan bridge noong Lunes ng Philippine Coast Guard katuwang ang Barangay Council.

Ayon sa PCG malaki ang maitutulong nito para na rin sa kaligtasan ng mga turista.

Bukod sa mga turista maaari din itong gamitin ng mga biyahero at higit na pakikinabangan ng mga taga islang barangay sa kanilang pagdaong.

Nilinaw naman ng PCG na bawal itong gawing talian ng bangka dahil loading and unloading lang ito ng mga pasahero.

Batay sa kasunduan magtutulungan ang munisipyo at barangay sa pagpapanatiling maayos ang floating pantalan.

Tiniyak naman ng Coast Guard na magsasagawa sila ng regular na inspection para masigurong laging nasa maayos ang floating pantalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *