Kauna-unahang Food Festival gagawin sa Olongapo City

Magkakaroon ng kauna-unahang Food Festival ang Olongapo City mula ngayong buwan ng Nobyembre.

Dito makikita at ibebenta ang iba’t ibang pagkaing gawa ng mga taga-lungsod lamang.

Ayon kay ABC Pres. Randy Sionzon, magsisimula ang aktibidad sa November 16 at tatagal hanggang sa January 16, 2023.

Makikita ito sa may Columban Road at magbubukas ang mga manininda mula hapon hanggang ala una lamang madaling araw.

Samantala, tuwing Sabado at Linggo naman umano ay magkakaroon ng mga entertainment activities sa lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *