Kauna-unahang ‘Happy Island Fishing Tournament’, isinagawa sa San Andres, Catanduanes

BNFM BICOL—Isinagawa sa bayan ng San Andres, Catanduanes ang kauna-unahang “Happy Island Fishing Tournament” sa Brgy. Cabcab nasabing bayan sa pangunguna ng Happy Island Jiggers, Office of the Governor at Provincial Tourism Office.

Dinaluhan ang nasabing tournament ng 24 na miyembro ng organisasyon kung saan nasa P15,000 na premyo ang naiuwi ng participant na nakahuli ng pinakaraming isda sa loob ng isang araw.

Ayon sa organizer ng tournament na si Jorge Macenas, layunin ng nasabing aktibidad ang maipakilala ang pangingisda bilang isang sport sa islang lalawigan.

Ginanap rin umano ito sa bayan ng San Andres, upang maipakita na sa buong mga bayan sa Catanduanes ang bayang ito ang may pinakamalaking potensyal at kapasidad upang gawing venue ng nasabing palaro.

Samantala, kasama rin sa mga dumalo ang , Supervising Tourism Promotions Officer ng lalawigan na si Carmel Bonifacio Garcia at ang Tourism Operations Assistant  ng bayan na si Aldrin Jacobo Solero.

Ayon sa Municipal Tourism Office, ang sport fishing ay maidaragdag na ngayon bilang panibagong produkto ng turismo at makakatulong sa economic recovery sa lalawigan ng Catanduanes.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *