Kauna-unahang kaso ng bagong subvariant ng Omicron sa Metro Manila at Palawan, naitala ng DOH

Kinumpirma na ng Department of Health na na-detect na ang kauna-unahang kaso ng bagong subvariant ng Omicron na BA.2.12.1.1 subvariant sa Metro Manila at Palawan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawa ang naiulat na infected ng variant na ito sa National Capital Region; habang 12 naman mula sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Local cases ang naitala sa NCR; habang 11 foreigners at isang local case ang sa Palawan.

Ayon kay Vergeire, ang dalawang kaso na naitala sa metro Manila ay natapos na ang kanilang home isolation noong April 28.

Wala na rin itong mga sintomas at classified as ‘recovered’ na.

Hindi rin nakitaan ng sintomas ang 39 na mga close contacts nito.

Samantala, ang naka-recover na ang 12 cases ng bagong Omicron subvariant sa Palawan.

Na-infect umano ang mga ito habang nakasakay sa isang mini cruise line sa Puerto Princesa.

Matatandaang bago ang reported na BA.2.12.1 subvariant cases na ito, una nang nakumpirma ang isa pang subvariant na BA.2.12 noong nakaraang buwan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.