Kauna-unahang Laparoscopy mission, bukas na

Nakatakda na bukas October 28 ang dalawang araw na libreng operasyon para sa mga mayroong Hernia at Cholecystitis o ‘yong mayroong mga bato sa apdo.

Ang kauna-unahang laparoscopy mission sa lalawigan ay isasagawa sa Sorsogon Provincial Hospital at inisyatiba ng Provincial LGU sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office at ng Sui Generis Missions.

Magiging benepisyaryo ng nasabing aktibidad ang mga indibidwal na mayroon ng nabanggit na mga karamdaman at nakapagpalista sa kani-kanilang mga Rural Health Unit bago pa ang nakatakdang  araw ng operasyon. 

Samantala, para sa karagdagang impormasyon tungkol saa aktibidad, maaaring makipag-ugnayan o magpadala ng mensahe sa Sorsogon Provincial Hospital H.A.M.O.R Care Desk Facebook page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *