Kauna-unahang Mango Derby sa bansa, sa Zambales gaganapin

Gaganapin sa lalawigan ng Zambales ang kauna-unahang Mango Derby sa bansa.

Ito ay makaraang mapagkasunduan ng iba’t ibang mga kompanya na gumagawa ng pesticides na magpaligsahan para ipakita ang bisa ng ibenibentang produkto.

Ayon kay Central Luzon Mango Stakeholders Association Pres.Enrico Batungbacal, namili ng tigli-limang puno ng mangga ang mga kalahok, aalagaan laban sa mga peste gamit ang kemikal habang ang kalidad at dami ng bunga ang basehan ng mananalo.

Inaasahang sasabay naman sa Dinamulag o Mango Festival ng Zambales ang panahon kung kailan puwede nang anihin ang mga bunga ng mangga na kasali sa 1st Philippine Mango Derby.//Christian ANdres-BNFMOLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *