Local News

Kauna-unahang solar powered irrigation project sa Quirino Province, natapos na

Natapos na ang kauna-unahang solar powered irrigation project sa Brgy. San Ramon, Aglipay, Quirino Province.

Unang isinagawa ang inagurasyon na pinangunahan ng National Irrigation Administration Region 2 kung saan ipinasakamay ito sa pamamagitan ng Quirino Irrigation Management Office (QIMO).  

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM, sinimulan ang konstruksyon ng nasabing proyekto noong February 2,2020 at natapos noong November 30, 2020.

Pinondohan ang solar powered irrigation project ng 10.4 milyon pesos na target mabenepisyuhan ang 17 na magsasaka sa kabuoang 20 ektaryang sakahan na kayang mapatubigan.

Pinangunahan ni Regional Manager Raymundo Apil at QIMO Acting Division Manager Edison Tolentino ang inagurasyon at nanguna sa implementasyon ng nasabing proyekto.

Kasama sa proyekto ang pag-install ng solar pump system, pagtatayo ng pump sump, tanke ng tubig at pipelines na may kumpletong mga accessories.

Pinayuhan ni Engr. Tolentino ang mga benepisyaryo na pamahalaan ang operasyon at panatilihin ang epektibong implementasyon ng proyekto.

Habang hinimok naman ni RM Apil ang lahat ng mga kasapi na bigyan ng pantay na pamamahagi ng supply ng tubig para sa kanilang tanim na mga palay upang mapasagana ang ani.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago