Kauna-unahang suit na gawa sa totoong balbas ng tao matatagpuan sa Australia

KAUNA-UNAHANG suit na gawa sa totoong balbas ng tao binigyang katotohananan ng isang Menswear Brand na Politix sa Australia at ng visual artist na si Pamela Kleeman-Passi.

Si Kleeman-Passi ang nakaisip at gumawa ng suit na ito sa pakikipagtulungan ng Politix Menswear Brand , ayon sa kanya ginawa niya ito para sa kanyang namayapang asawa mula sa sakit na  prostate at colorectal cancer noong 2016.

Isa rin sa mga dahilan ni Kleeman-Passi ay ang kahangaran niyang mabigyang ng kamalayan ang mga kalalakihan sa mga seryoso at nakamamatay na sakit katulad ng prostate cancer at testicular cancer kaya  ito ay ibinahagi niya sa taunang selebrasyon ng Movember kung saan kampanya nitong suportahan at pag-usapan ang kalusugan ng mga kalalakihan.

Ayon kay Kleeman-Passi  ang suit ay gawa sa mga balbas ng ibat-ibang lalake, kinukuha niya ang mga ito sa ibat-ibang men salons sa kanilang lugar.

Sa pagkukuwento pa ni Kleemann-Passi hindi naging madali ang  kanyang mga  pinagdaanan sa pagbuo ng nasabing suit, ibat-ibang paraan ng pagtatahi ang kanyang sinubukan para lamang  makuha ang tamang  lapat nito sa politix cotton.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *