Kautusan ni PRRD na magbigay ng one-time financial assistance sa mga Employees’ Compensation pensioners malaking tulong ngayong pandemic ayon kay Sen. Go

Ikinatuwa ni Senator Christopher Bong Go ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng one-time financial assistance ang Employees’ Compensation pensioners sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Go malaki ang negatibong epekto ng pandemya sa mga kababayan nating may kapansanan, lalo na iyong mga pensioners na apektado ang pamumuhay dahil sa community quarantine restrictions.

Ayon kay Go nagpapasalamat siya sa naging hakbang ng Pangulo dahil nararapat lamang na suportahan at bigyan ng alternatibong mapagkukunan ng panggastos ang mga pensioners para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa panahong ito ng pandemya, sinabi ni Go na dapat lamang paigtingin ng gobyerno ang suporta nito sa mga PWDs dahil isa sila sa mga pinaka-apektado ng mga social and economic impacts ng COVID-19.

Nabatid na batay sa Administrative Order No. 39 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, ipinag-utos nito ang pagbibigay ng one-time financial assistance na nagkakahalaga ng PhP20,000.00 sa Employees’ Compensation (EC) pensioners na nasa ilalim ng permanent partial or total disability and survivorship, sa private at public sectors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *