Kawalan ng ID, isa sa mga isyung kinahaharap sa  SIM card registration sa mga remote areas – DICT

Iniulat ni Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy na isa sa mga issue na kinanaharap ngayon sa SIM card registration, ay ang kakulangan ng identification cards ng mga indibidwal, lalo na ang mga nakatira sa far-flung areas.

Dahil dito, malaking tanong umano kung papaanu marerehistro at maba-validate ang kanilang identity.

Kaugnay nito, isasangguni ng naturang ahensya ang naturang usapin sa kanilang team para matugunan kung papaanu maba-validate ang kanilang pagkakakilanlan.

Samantala, sisimulan na ng DICT ang assisted SIM registration sa remote areas, kasama ang National Telecommunications Commission (NTC). Sa panig naman ng Department of the Interior and Local Government, inatasan nila ang mga kinauukulang local government units (LGUs) na tiyakin ang tagumpay ng assisted registration sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *