Kawalan ng sariling right of way, problema ng Sorsogon Electric 2 cooperative sa mga clearing operations

Nananatiling malaking problema hanggang sa ngayon ng Sorsogon 2 Electric Cooperative o SORECO Do ang kawalan ng right of way sa mga dinadaanan ng linya ng kuryente sa lalawigan.

Ayon kay Engr. Reynaldo Antes, Area Supervisor ng kooperatiba, nahihirapan umano sila na magsagawa ng clearing operations lalo na at hindi nila pag-aari ang mga tatamaan nito partikular na ang mga punong kahoy at iba pang fruit bearing trees na dapat umano ay sakop ng kanilang paglilinis.

Sa Regular Session ng Sangguniang Panlungsod, sinabi ni City Councilor Bryan Pingul na dapat maglaan ng pondo ang kooperatiba upang bayaran ang mga mapuputol na puno na tatamaan ng clearing operations.

Mas madaling paraan umano ito upang tuloy-tuloy ang mga isinasagawang clearing operations ng kooperatiba.

Sa ngayon, tanging labor lamang ang may nakalaang  pondo at hindi kasama rito ang para sa mga ari-arian na tatamaan ng nasabing aktibidad.

Gayunpaman, tiniyak nito na ang nasabing concern ay kanilang ipa-aabot sa mga Board of Directors ng kooperatiba upang mabigyan ng kaukulang desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *