Kawalan ng separation pay, problema ng mga manggagawa sa region 2 – DOLE

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment Region 2 na karamihan sa kanilang natatanggap na reklamo ay mga empleyadong hindi nakatatanggap ng separation pay.

Ito ang inihayag ni DOLE Regional Information Officer John Mark Narag sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, bagaman wala pa sila natatanggap na pormal na reklamo hinggil sa hindi tamang pagpapasahod ay marami naman umano ang dumudulog sa kanilang tanggapan na mga hindi nakatanggap ng separation pay.

Agad namang tinutugunan ito ng DOLE sa pamamagitan nf Single Entry Approach o SENA kung saan nagkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng employer at complainant.

Naayos naman umano ito sa pag-uusap ngunit kung hindi masosolusyunan at aabot na sa kasuhan ay itataas na ng DOLE sa National Labor Relations Commissions ang reklamo.

Hinikayat naman ni Information Officer Narag ang mga nakararanas ng hindi tamang pasahod o iba pang problema sa kanilang mga employer na tumawag laman sa kanilang hotline.

Kaugnay dito ay maaaring makausap ng mga complainant ang Technical Service and Support Division ng ahensya sa numerong 0917-806-8685 o 0917-808-2819. Maaari din aniyang personal na magsadya ang mga ito sa pinakamalapit na opisina ng DOLE sa bawat probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *