Patay ang isang kawani ng bangko sa Puerto Princesa matapos na saksakin bandang alas-syete ng gabi ng Linggo, April 30 sa Baltan Street sa Purok Pagkakaisa, Barangay San Miguel.
Kinalala ang nasawi na si Renald Gimotea Ferriol, 45 anyos at ang suspek ay si Hernan Arega Lopez, construction worker.
Ayon sa Police Station 1, bago ang krimen ay kinompronta di umano ng suspek ang biktima na nauwi sa kanilang mainit na pagtatalo hanggang sila’y nagsuntukan.
Hindi naman idenitalye ng pulisya kung tungkol saan ang pinagtalunan ng mga ito.
Kalaunan ay sinaksak na ng suspek si Renald sa kaliwanag bahagi ng tiyan nito bago ito tumakas sa hindi malaman na direksyon.
Dinala ang biktima sa Ospital ng Palawan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Samantala, iniimbestigahan pa hanggang ngayon ng pulisya ang krimen at ang tunay na motibo sa pagpatay.