KBP Camarines Sur naniniwala ring hindi pa nakakamit ang hustisya sa Maguindanao Massacre

NAGA CITY- Tulad ng mga kaanak ng mga nasawi sa Maguindanao massacre naniniwala ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas- Camarines Sur na hindi pa tuluyang nakakamit ang hustisya sa nasabing malagim na pangyayari 13-taon na ang nakararaan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay KBP Chairman Bong Echalose sinabi nitong mabagal ang pagkamit ng hustisya, ito ay kahit pa mahigit 40 na ang convicted.

Una nang sinabi ni National Union of Journalists of the Philippines chairman Jonathan de Santos na ang 2019 convictions ay “partial justice”.

Dagdag ni Echalose,  sa Naga at Camarines Sur aktibo ang komunikasyon ng KBP sa bawat miyembro. Pinapaalalahanan din ang mga nakakalimot sa Journalist Code of Ethics.

Matatandaan na noong Nobyembre 23, 2009 , 58 katao kasama ang 32 na mga mamahayag ang nasawi sa Maguindanao massacre. Sila ay kasama sa convoy para sa paghahain ng certificate of candidacy ni Mangudadato.

Iyon ay ang kinukunsiderang worst case election-related violence sa bansa at single deadliest attack sa mga mamahayag at ito ay nakaukit na sa kasaysayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *