Kean Cipriano, hindi na parte ng Callalily matapos ang 17 na taon

Kinumpirma ng musikero at aktor na si Kean Cipriano na hindi na siya parte ng OPM band na Callalily matapos ang 17 na taon.

Ayon kay Cipriano, “Callalilly is done. I’m moving on, I’ve moved on, moving forward and I wish them all the best”.

Sinabi ng singer na oras na umano para sumubok ng iba pang bagay sa buhay niya kung saan marami ng nangyari sa naturang banda at matagal na silang hindi okay ng mga ito.

Samantala, hiling niya na makahanap ng bagong frontman ang Callalily at umaasa siyang magiging maayos ang mga dating kasamahan niya. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.