Kendall Jenner, bumuwelta sa mga kritiko kaugnay sa “inappropriate dress” isyu

Bumuwelta si Kendall Jenner sa kanyang mga kritiko na pumuna sa kanyang dress na suot sa kasal ng kaibigan.

Paliwanag ng 26-year-old model, ang revealing black Monot dress na kanyang suot sa kasal ng kanyang best friend na si Lauren Perez sa Miami noon pang nakaraang taon ay may pahintulot mula sa bride.

Bagama’t noon pang Nobyebre nangyari ang okasyon, ngayon lang ito lumabas matapos ibahagi ni Lauren ang mga larawan sa kanyang Instagram.

Samantala, agad namang itinago ang mga komento sa naturang post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *