Kerwin Espinosa, kumambyo sa akusasyong illegal drug trade vs De Lima

Kumambyo ngayon ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa lahat ng kanyang alegasyon laban kay detained Sen. Leila de Lima, kaugnay sa illegal drug trade.

Ayon sa counsel ni De Lima na si Atty. Raymund Palad, sa counter-affidavit, sinabi ni Espinosa na ang kanyang claims laban kay De Lima, na nakakulong simula pa noong February 2017 dahil sa illegal drugs charges, ay hindi umano totoo, at resulta lang ng pressure, coercion, intimidation, at serious threats mula sa mga pulis na nag-utos sa kanya na idiin ang senadora sa kaso.

Batay sa pahayag ng self-confessed drug lord, wala rin umano siyang choice kundi gumawa-gawa ng storya, dahil sa takot para sa kanyang buhay, maging sa buhay ng kanyang pamilya kasunod ng pagkamatay ng kanyang ama, 18 araw bago ang Senate hearing.

Matatandaan na sinabi noon ni Espinosa na nagbigay siya ng kabuoang P8 million na drug payoffs kay De Lima noong ito ay Justice Secretary pa, sa pamamagitan kay Ronnie Dayan, na driver ng senadora.

Sa pagdinig rin ng Senado noong 2016, sinabi ni Espinosa na tumawag sa kanya si Dayan noong August 2015 para mag-solicit ng pera para sa kampanya ng mambabatas, kapalit umano ang pagprotekta sa kanyang drug dealings. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *