Keso na gawa sa gatas ng donkey, kinilala bilang pinakamahal na keso sa buong mundo

KINILALA bilang pinakamahal na keso sa buong mundo ang kesong kilala bilang Pule Cheese sa Belgrade,Serbia na nagkakahalaga lang namang $1,700 ang kada isang pound. Ang nasabing keso na ito ay espesyal na gawa pa raw umano mula sa sariwang gatas ng mga donkey.

Ayon sa Zasavica Special Nature Reserve, ang nag-iisang kompanyang gumagawa ng ganitong klaseng cheese, ay hindi na umano kailangan pang ilabas sa komersyal dahil pawang mga mayayaman na umano ang bumibili at umoorder sa kanila nito.

Dagdag pa ng kompanya na upang makabuo ng isang keso, kinakailangan muna na makaipon sila ng 25 liters na gatas at saka ito isasailalim sa smoking process, bago ito makainin o ipalaman sa tinapay.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *