Kick off ng isang linggong transport strike may minimal effect lang sa mga commuters – MMDA

Mayroon lamang minimal effect sa mga commuters ang kick-off ng isang linggong transport strike, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Romando Artes, ito ay dahil agad na nakabuo ng contingency measures ang gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng riding public.

Iginiit din ni Artes na iilan lamang sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan ang sumama sa welga.

Nasaa 88 lamang sa 1,680 na sasakyan na inihanda ng national government at local government units sa Metro Manila ang nagamit transportasyon ng mga commuters na apektado ng strike.

Samanatala , ayon sa National Capital Region Police Office naging mapayapa ang unang araw ng transport strike.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *