Kidapawan City naghipit matapos sa magkasunod na pamomomba

Mas pinaghigpitan pa ng Kidapawan City Police Station ang ginagawang inspeksyon sa lahat ng pampasaherong sasakyan na papasok sa Overland Public terminal matapos ang nangyaring pamomomba kahapon sa isang Yellow bus line sa Koronadal City, South Cotabato kung saan  dalawa ang naitalang sugatan.

Bago makapasok sa terminal, sa entrance pa lang ay pina pababa na ng mga Police K9 units ang mga pasahero maliban na lamang sa mga buntis at PWDs at pinapalakad na lamang ang mga ito papasok ng terminal kung saan dadaan pa sila sa iniinspeksyon

Pagkatapos makababa ng mga pasahero, ay pinapabuksan na ng mga otoridad ang  container ng bus saka ipapa amoy sa naka antabay na K9 dog upang masiguro na walang makapasok na bomba sa lugar.

Sa naging panayam kay PLt. Col Bernard Tayon, Spokesperson ng North Cotabato Police, simula ala 1:00 kahapon ay kanilang inatasan ang lahat ng municipal police stations na magsagawa ng mas mahigpit na checkpoints at inspections sa lahat ng public terminals ng sa gayon ay hindi mangyari sa probinsya ang nangyaring pagsabog sa Koronadal city.

Nakatakda naring ipulong ng North Cotabato Police Provincial Headquarters ang lahat ng bus company para pag-usapan at ilatag ang maari nilang gawing hakbang para maiwasan ang pamomomba sa mga bus.

Mahigpit naring pinagbabawal ng kapolisan ang pag pick-up ng mga bus sa mga pasahero sa daan.

Matatandaan, noong nakalipas na buwan, isang Rural Tour Bus ang pinasabogan rin ng bomba sa harap mismo ng PNP BARMM headquarters sa Parang, Maguindanao. Liezle Banga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *