Kilos protesta ng transport group sa inagurasyon ni PBBM, asahan ; malawakang tigil pasada posible

NAGA CITY- Asahan na ang kilos protesta ng transport group sa panunumpa o inagurasyon ni President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa Hunyo 30, 2022.

Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) Provincial Coordinator Joel Pillogo, bago ito  magpupulong sila bukas upang tinggan ang sitwasyon, marinig din iba pang mga transport groups and organizations. Kailangan na aniyang makita ng pamahalaan ang kanilang estado lalo na sa mabigat na pasanin na mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Bukod sa problemang ito, sinabi rin ni Pillogo na apektado ang mga driver na hindi napabilang sa may unit na nag o-offer ng libreng sakay na programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) , halos kalahati aniya ang nawala sa kita araw-araw.

Idagdag pa sa pinangangambahan ang jeepney modernization na inaasahang jeepney phase out. Aniya hindi pa ito natutuldukan, baka aniya sa pagluwag ng restrictions sa COVID-19 baka balikan ang usapin.

Sa mga rasong ito posible ang malawakang tigil pasada sa Naga at Camarines Sur, pero ayon kay Pillogo hindi ito madali ,kailangan ding makipag-ugnayan sa mga counter parts sa matagumpay na hakbang sa itatakdang petsa sa probinsya, sa rehiyon man o buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *