Kim Kardashian at Kanye West, nagkaroon ng divorse settlement

Nagkaroon na ng divorce settlement sina Kim Kardashian at Ye, ang rapper na dating kilala bilang Kanye West na kinabibilangan ng joint custody ng kanilang apat na anak at paghahati-hati ng kanilang real estate assets.

Bagama’t magkakaroon sila ng joint custody ng kanilang mga anak na may edad 3, 4, 6 at 9, si Kardashian ay makakatanggap ng $200,000 sa isang buwan bilang suporta sa mga bata.

Sumang-ayon rin si Ye na ilipat ang isang ari-arian niya sa  Hidden Hills sa Kardashian at mananatili ang kaniyang ari-arian sa Malibu at Riverside, California, at Harrison.

Base pa sa settlement ng dalawa, hahatiin nila ang gastos private security, pag-aaral at unibersidad ng kanilang mga anak.

Ang celebrity couple ay ikinasal noong 2014. Si Kardashian ay nagsampa ng diborsyo noong nakaraang taon at binanggit ang hindi pagkakasundo at pagkakaiba nila ni Ye.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *