Kim Kardashian, binili ang pendant na sinuot ni Princess Diana

Binili ng American reality television star at social media colossus na si Kim Kardashian ang Attallah Cross, ang amethyst at diamond pendant na isinuot sa ilang okasyon ni Princess Diana.

Ayon sa auction house na Sotheby’s, ang pendant ay ginawa noong 1920s ng British jeweler na si Garrard at naibenta sa halagang 163,800 pounds o $202,300.

Ang pendant ay isinuot ni Princess Diana sa isang charity gala noong 1987.

Noong nakaraang taon, naging headline rin si Kardashian sa pagdalo sa Met Gala na suot ang damit ni Marilyn Monroe.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *