King Charles ‘deeply touched’ matapos ang kanyang koronasyon

Sinabi ni King Charles na ‘deeply touched’ siya sa pagdiriwang ng kanyang koronasyon, na nagpatuloy sa mga street parties bago ang isang konsiyerto na nagtampok sa mga mang-aawit na sina Lionel Richie, Katy Perry at Andrea Bocelli sa Windsor Castle.

Sa gitna ng karangyaan at pageantry, kinoronahan si Charles at ang kanyang asawang si Camilla noong Sabado na pinakamalaking ceremonial event sa Britain sa loob ng 70 taon.

Sinabi ng isang tagapagsalita ng Buckingham Palace , na sina Charles at Camilla ay labis na natuwa sa nagyari at suporta ng publiko.

Nagpasalamat din ang hari at reyna  sa lahat ng tumulong upang gawing maluwalhating okasyon ang koronasyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *