Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz, sasabak sa Miss Universe-Philippines

Pasok sa Top 100 candidates para sa Miss Universe Philippines 2021 ang dating PBB housemate na si Kisses Delavin at ang grand winner ng Asia’s Next Top Model Cycle 5 na si Maureen Wroblewitz.

Kamakailan ay nag-trending si Kisses matapos makilala ng fans ang mata ng aktres sa teaser ng Aces & Queens para sa mga aspiring beauty queens na sinanay nito para sa Miss Universe Philippines pageant.

Nakatakdang gawin ang nasabing beauty pageant sa September 25, 2021.

Hindi na bago si Kisses sa mga bueaty pageant, dahil bago pa man ito sumali sa Pinoy Big Brother ay humahakot na ito ng beauty pageant titles tulad ng Miss Masbate at Miss Kaogma noong 2016 at Miss Teen Masbate noong 2013.

Usap-usapan rin ngayon ang Filipino German-model at dating Eat Bulaga host na si Maureen Wroblewitz.

Maituturing si Maureen bilang isa sa mga kilalang personalidad na sasali sa Miss Universe Philippines lalo na at meron itong milyon-milyong followers sa kaniyang social media accounts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *