Kite Festival, lilipad sa Batangas ngayong summer

Ihanda na ang inyong pangmalakasan at matayog na lipad na papagayo dahil magsasagawa ng Kite Festival ang Provincial Government ng Batangas ngayong summer.

Ito ay itinakda sa Abril 16, 2023 sa Batangas Sports Complex na may temang “Doon po sa amin sa Batangas”.

Maaaring salihan ang tatlong kategorya na pagandahan, patayugan at on the spot kite making.

Ang naturang festival ay sa koordinasyon ng Papagayong Batangenyo sa lalawigan.

Para sa mga karagdagang detalye at tanong kung paano sumali ay maaaring tumawag kay Eric Basit, ang presidente ng Papagayong Batangenyo sa numerong 09274038078.

Maaari itong saksihan ng mga Batangenyo ngayong summer para sa family bonding o gala ng mag-tropa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *