Kobe, Duncan at Garnett opisyal nang kasali sa NBA Hall of Fame

Pormal nang kasali sa listahan ng Naismith Memorial Basketball Hall of Fame (HOF) ang tatlo sa mga legendary players na sina Kobe Bryant, Tim Duncan at Kevin Garnett.

Binalikan ng NBA ang naging impact nito sa loob at labas ng hardcourt pati na ang mga nakamit nito sa larangan ng basketball.

Una na dito si Kevin Garnett na nakilala kanyang intensity, defensive ability, at versatility, at itinuturing na ‘greatest power forwards of all time’ kung saan isa mga nasungkit niya ay 2008 NBA Championship sa Boston Celtics.

Si Tim Duncan naman na naglaro ng 19 na season sa Spurs ay ibinidad ang limang NBA championships, 2 MVPs, at Finals MVPs bago tuluyang ma-induct sa HOF.

Si Michael Jordan ang tumayong presenter sa mga achievements ni Kobe sa harap ng asawa nitong si Vanessa Bryant,at mga naulilang anak.

Kabilang sa career highlights ng tinaguriang ‘Black Mamba ay ang limang NBA championships, 2 Finals MVP, at league MVP.

Samantala kasama din sa HOF Basketball Hall of Fame Class of 2020 sina NBA Champion Rudy Tomjanovich, WNBA Champion Tamika Catchings, coach Eddie Sutton, Kim Mulkey, Barbara Stevens at Patrick Baumann. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *