Koko: P4.5-B Intel funds ng office of the President, ‘excessive’

Naniniwala si Senate Minority leader Aquilino Koko Pimentel na ‘excessive’ o sobra-sobra ang inilaang P4.5-billion para sa Office of the President.

Paliwanag ni Pimentel hindi naman intelligence agency ang opisina ng pangulo bagkus ito ay isang civillian office lamang.

Kung tutuusin sinabi ng senador na wala nga dapat intelligence fund ang Office of the President.

Binatikos din ng senate minority leader ang confidential funds na inilaan sa Department of Education dahil ito umano ay kauna-unahan sa kasaysayan na may binigay na confidential funds sa naturang ahensiya.

Dagdag pa ni Pimentel na talagang masyadong maluwag sa pag-audit ng Intelligence funds.

Dahil dito iminungkahi ni Pimentel na buhayin muli ang isang special oversight committee, para silipin at i-audit ang actual na paggamit ng nabanggit na pondo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *