Editors Pick

Koko sa pag-alis ng SSS, GSIS sa Maharlika: ‘Ang gulo nila!’

‘Ang gulo nila basic na basic ‘yan’

Ito ang naging reaksyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa ginawang pag-alis sa SSS at GSIS pension funds bilang seed money sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Pimentel, naguguluhan siya sa ‘surplus concept’ na sinasabi ng mga proponent ng panukala.

‘Ang gulo nila basic na basic yan ‘surplus’ concept and yet even without a surplus they continue to espouse a wealth or investment fund.’ ani Pimentel.

Idiniin ni Pimentel na wala namang savings ang bansa.

‘Ano proof na no surplus? Kaya nga tayo BAON NA SA UTANG. The Maharlika Fund proposal is weak not only because the arguments for it are weak but the objections against it are strong’ dagdag pa ng Minority lawmaker.

Taxpayers’ money, pasok pa rin

Umapela rin si House Deputy Minority Leader ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa publiko na manatiling vigilant at patuloy na bantayan ang developments sa (MIF).

Sa pahayag, sinabi ni Castro na bagamat wala nang pera ng mga state pensioners members sa panukalang sovereign fund – mayroon pa ring kaban ng bayan na nakapaloob sa seed funds nito.

Paliwanag ng Makabayan lawmaker, nananatili pa ring bilang ‘sovereign gurantee’ ng MIF ang pera ng mga tax payers.

Nanindigan din itong mas mabigat ang risks ng pondo kung ikukumpara sa mga posibleng benpisyo ng MIF na hindi naman din tiyak.

Sa huli, muling tiniyak ni Castro na patuloy nilang bubusisiin ang panukala at tututlan ang mga ganitong uri ng proposals.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago