Boluntaryong sumurender sa mga awtoridad ng Pulis Kasanggayahan ang rebolusyonaryong maniningil ng buwis ng New People’s Army (NPA).
Ang rebel returnee ay kinilala lamang na si alias ‘Caloy,’ 71-anyos, dating miyembro ng Militia ng Bayan (MB) sa ilalim ng pamumuno ni Rudy Bernas alias ‘Tapang,’ commanding officer ng Komite Larangan Gerilya 2 Sub Regional Committee 3 ng Bicol Reg’l Party Committee.
Sa salaysay nito, itinalaga umano siyang revolutionary tax collector sa ilalim ng Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri.
Kasamang ibinigay nito ang kanyang hawak na dalawang basyo ng kalibre .40mm na bala para sa isang grenade launcher.
Ipapatala si alias Caloy bilang isang benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Ito ang programa na naglalayong tulungan ang mga dating rebelde sa muling pagtatag ng kanilang koneksyon sa pamahalaan at re-integration sa mainstream society.
Makakatanggap ito ng tulong pinansyal at kabuhayan upang matulungan na magsimulang muli.
