Kompetisyon sa patagalan ng paghilata, idinaos sa Montengero

IDINAOS kamakailan sa bansang Montenegro ang kompetisyon sa patagalan ng paghilata na tinawag nilang “Lying Down Championship” kung saan ang kalahok na makakapagtala ng pinakamahabang oras na nakahiga ang siyang magwawagi.

Ayon sa organizers, 12 mga indibidwal ang nakilahok ngayong taon, kung saan isinagawa ang naturang patimpalak sa isang local park ng nasabing bansa.

Inabot ng halos tatlong araw ang kumpetisyon kung saan itinanghal na champion ang lalaking si Zarko Pejanovic, na humilata ng dalawa at kalahating araw.

Sari-saring pa premyo ang naiuwi ng kampeon katulad ng 350 euros na katumbas ng halos P20,000; dinner sa mamahaling restaurant at one night stay sa isang 5 star hotel.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *