Komprehensibong plano sa pangangailangan ng mga manggagawa, ipinanawagan

Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang Malacañang na pakinggan ang hinaing ng mga labor groups, at agarang magbalangkas ng plano kung paano tutugunan ang lumalalang problema sa income and employment ng mga Filipino workers.

Ayon kay Hontiveros, sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, makikita ang mga sentimyento ng mga Filipino workers na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Kailangan, aniya, ng bansa ang isang tunay at seryosong government interventions, pati na rin ng comprehensive plans na reresolba sa pag-igting ng inflation rate sa bansa, pagbaba ng kalidad ng trabaho, at kawalan ng trabaho.

Bwelta ni Hontiveros, kailangan ng Marcos administration na pilitin ang kanilang economic team na makapaggawa ng isang kumpleto at kongkretong plano sa ekonomiya upang mawala ang pag-aalala ng mga Pilipinong manggagawa. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *